Tuesday 9 August 2016

Sa pagitan ng "wala na" at "wala pa"

Paano nga ba natin malalaman kung ano ang sinisigaw ng puso at isip natin? Wala na nga ba? O wala pa? Wala nang kilig at lambing sa iyong mga mata. Wala nang ganda sa aking umaga. Wala nang asukal sa mainit kong kape. Wala nang matatamis na salitang naririnig ko sa 'yong mga labi. 

Wala na... 
Wala na...

Ako'y gulong gulo sa mga kodigo at salitang binitawan mo na tila hanggang ngayon ay nakatatak parin sa isip ko na sa tuwing naalala ko ay wala na akong magawa kundi itanong sa aking sarili na; Wala na ba talaga? O wala pa? Hanggang kailan? Hanggang kailan ako magiisip? Hanggang kailan ako maguguluhan? Hanggang kailan ko itatanong sa sarili ko ang dalawang masasakit na salitang bumabagabag sa puso ko?

Wala pa, ano na?

Wala pang sagot sa mga tanong mo. Marami man akong dahilan para sukuan ka, mas marami akong nakikitang dahilan para ipaglaban ka. Mabilis man akong mapagod, pero sayo, mapagod man ako, alam kong sa huli, mapapawi lahat ng pagod ko, makita lamang kitang masaya. Masaya sa mga bagay na tunay na kaligayahan ang nabibigay sayo. Maging masaya sa mga panahong kahit ang sakit sakit na, titiisin ko, dahil mahal kita. Kahit na mahirap makita na may kasama kang iba, tatanggapin ko, dahil mahal kita. "Mahal parin kita".



Sa pagitan ng "wala na" at "wala pa", dito ko natagpuan ang kasagutan na parang sinampal ako ng katotohanan na "tama na, pagod ka na, magpahinga ka na" Tama na, oras na para bigyan mo ang sarili mo ng tunay na kasiyahan, Oras na para makita mo ang iyong tunay na kalagayan. Oras na para mapalitan na ang mga iyak at pag lumbay ng kasiyahang walang makakapantay. 

Sa pagitan ng "wala na" at "wala pa", dito ko napagtanto ang mga bagay bagay. Mga bagay na dapat pinakawalan ko na ngunit hanggang ngayo'y nakakapit pa. Mga bagay na dapat tama na, ngunit dahil sa tadhana, paulit-ulit na nagiging mali at hanggang ngayon, pinipilit na lamang itama ang mga mali.

Sa pagitan ng "wala na" at "wala pa", dito ko naintindihan ang tunay na ibig sabihin ng dalawang salita. Wala na, ang katotohanang "tapos na" at wala pa, ang katotohanang "wag muna, pahinga muna"

Dito ko naintindihan ang tunay na ibig sabihin ng salitang "saya". Nasaktan ka man, umasa ka man, iniwan ka man, sa huli, ikaw parin. Ikaw parin ang magbibigay ng ngiti sa 'yong sarili at dito ko naintindihan na kung kayo talaga ang pinagtagpo ng tadhana, magtiwala ka, babalik at babalik ang tunay na pagibig. 

Sa pagitan ng "wala na" at "wala pa"

Sunday 17 July 2016

BAKIT NGA BA?

BAKIT--- ang salitang bumabagabag sakin sa tuwing naiisip ko ang ilusyon na "TAYO". Madaming nakakapagsabi na sundan ang aking puso kasya ang aking isip. Ngunit bakit nga ba? Bakit nga ba nagtatalo ang dalawa? Marahil dahil ito sa dalawang taong nagmahalan, parehong nasaktan, na naging masaya, masaya at masaya lang na nakalimutan na ang salitang "problema" na dumating sa puntong ang dalawang taong ito ay nawasak nalang na parang isang mundo na nagkasira-sira dahil sa isang "problema". Ngunit ikaw? Ikaw? at ikaw? Natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit? Ate, Kuya, bakit nga ba? 



Bakit nga ba tayo pinagtagpo ng tadhana?
Bakit nga ba tayo dumating sa ganitong sitwasyon?
Bakit nga ba ganun ganun nalang ang sinisigaw ng isip at puso ko na tila gusto kang yakapin at sabihing "Akin ka nalang ulit"?
Bakit nga ba sa tuwing nakikita kita, ang puso ko ay bumabalik sa dating kalagayan?
Bakit nga ba ako ay naiwan sa ere na hindi makahinga sa naiwan mong pagibig at sa naiwan nating alaala?
Bakit nga ba tila sa ating dalawa, ako nalang ang kumakapit na parang kasing liit na lamang ng butas ng karayom ang tsansang bumalik ang masayang "tayo"?

Siguro nga dahil iba ang saya na pinaramdam mo saakin na akala ko ikaw na. Akala ko babalik pa, na sa tuwing hawak ko ang 'yong mga kamay, pakiramdam kong ako ay nasa langit na tayong dalawa lang ang magka-akbay. Na sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti sa iyong mga labi, ang kislap ng iyong mata, para bang sinasabi ng 'yong puso na, "Mahal, masaya ako pag kasama kita". 

Kumapit sa salitang "tayo", ikaw at ako. Kumapit sa natitirang "mahal kita", patuloy na umasa, patuloy ding nasaktan at ngayon, sa hirap na nadarama, para bang hirap bumangon sa natitirang salitang "maghintay ka". Maghintay sa posibilidad na dadating yung araw na ikaw at ako, ay mamumunga na parang isang bulaklak na kay tagal tagal naghintay at ngayon, ay patuloy na nagiging masaya. Maghintay sa mga malulungkot na pagkakataon na mapapalitan ng walang hanggang kasiyahan. 

Kasama sa paghihintay ang sakit at pag-gulo ng isip sa salitang "bakit nga ba" na maraming dahilan, rason, na simula sa simulang nakilala kita at sa di mawaring pag-kapit sa dalawang tanong na "suko ka na?" at "may pagasa pa ba?"

Dahil ang dalawang tanong na yan ay matagal nang nakabaon sa puso kong sugatan at sa isip kong umiiyak ng umiiyak.

Kaya mahal, halika, hawakan mo ang aking mga kamay, tingnan ang aking mga mata, dahil ang tanong na "Bakit nga ba" ay walang ibang makakasagot kundi, ikaw. 



Friday 22 April 2016

FINALLY OVER

How can you define something that is beyond definition, such as love?

Yesterday, April 22, 2016. Went to SM Makati Forever21 for the #IdaXForever21 and #LissaXForever21 event! They gave us some tips on how they make their instagram feed extra amazing.  How they take photos, what filters they use and schedule of their posts!
Also had a chance to have a small talk with them and I felt a kilig when they told me that they still remember me during the Calvin Klein and Style Up event back then. Ugh,  someday, I'm one of them. Wow right??? But who knows???

Well, they're one of the reasons why I'm doing this blog.
All the bloggers out there, I salute you guys!  
Keep it up, and kick that ass off! Yay


Also had a chance to have a "photoshoot" with my lazy outfit---
And I'm like.. "Uy white background, cool let's do this!!!"

The ART of Makati--


Do you guys wanna know more about me?
Well, there are 4 major things that you need to!!!

---

I'm the clingiest person you'll ever meet.
- yes pls I get too attached easily
Also, one of the craziest girl in yo life--

No boyfriend since puberty.
- Waiting for the right guy who can accept all my flaws and imperfections
A guy that He installed for me--

I'm happy and contented with what I am & what I have right now.
- Together with my YFC (Youth For Christ) family, college friends, HS friends
and people who I hang out and communicate with everyday.
Also happy worshiping and serving Him with all my heart--


I just want to thank the two J's in my life,
Jred Roxas, my bestfriend & Jezreel Aguilar, my fangirl bud
for these awesome shots of mine!!!
Nyaha thank you guys for supporting me in everything <3

Dress: Forever21
Denim polo: True love (SM Department Store)
Shoes: SM shoes and accessories

Til the next blog post!
Much love,
-AS xx






Wednesday 20 April 2016

BOHOL ESCAPADE 2016

This is it! Summer time with one of the best people in my life, my YFC (Youth For Christ) family! Attended an international conference with YFC's over the world for 3 awesome days and everything was just unexpected. Exciting, right? Here are some of the captured moments:

   Had a chance to perform and represent Metro Manila during the Advocacy Parade, we are really blessed!!!
Words can't explain how happy I am during the conference <3 

This is the time when we were asked to express our gratitude to the people who we are thankful for by putting our hand marks on their shirts. 
My sister-hater-bestfriend-everything buddy, I love you!!!
They're my inspiration in this journey and in my service <3
Sanet Cruz (left) & Alexa Soriano (right)

----

This is such an unforgettable experience because everything is worth it!!! Lifted up all my worries, doubts, problems to G and YES, I'm happy with what I have right now. Met new friends and I'm just thankful because I get to hang out with them. 


---
We stayed at Bohol for 2 days and explore the beauty of the famous Chocolate Hills and the Bohol's famous cutie patootie tarsiers!! <3


Me and my "tourista" pose; Conquered 291 steps just to see the Hills while we are beating the heat of the sun!!! Nyaha that was a great experience, love it!
THE BOHOL CREW (1/2)
My unending love for tarsiers- 
                                            
My sister as always, "Uy, Ayala pose naman" and I'm like..... okaaay
THE BOHOL CREW (2/2)

So lucky to have these guys in my life, tho incomplete, I would like to express my feelings for you guys, you made my summer complete, wow that was fresh start! Looking forward to more adventures with them!!
Next top:
ILOCOS NORTE <3

Here's our ICONBOHOL2016 video:
ICONBOHOL2016

Stay tuned, readers!
Much love,
-A